WORDS by Joshua Fontanilla
Nais kong pasalamatan ang Thomasian community sa walang sawang pagsuporta at pagtitiwala samin na lumaban at magpatuloy. Maraming akong babauning memories sa pagstay ko dito sa UST at lalo na nitong bubble. Nagpapasalamat din ako sa lahat ng teammates ko na nagpakatatag, lumaban, nagkaisa, at nagsakripisyo para mai-represent namin ang USTe.

Nagpapasalamat din ako sa lahat ng coaching staff namin na nagtiyaga, nag-guide, at nag-motivate samin hanggang sa matapos ang season.

Hindi man ganon kaayos ang last season ko dito sa UAAP, maniwala tayo na may oras para sa lahat. Masakit, pero we all did our best. And with all the things that happened to me: no regrets. We are all lucky to have the Thomasian Community. Hanggang sa muli. GO USTE!
