
WORDS by JD CAGULANGAN (as told to Kobe Dayao)
Nung nasa La Salle ako, nawala talaga ‘yung confidence ko.
Nung lumipat ako ng UP, may chance ako ulit buhayin ‘yung basketball career ko, which nangyari naman talaga. Hindi ko naman magagawa ‘yun kung hindi dahil kina Coach Gold [Monteverde]. Kung ako ang tatanungin, binuhay ng UP ‘yung career ko sa basketball. Kasi kung ibang player ‘yun, baka mahirapan na.
Kasi before Season 84, may mga tune-up games kami. So ‘yung mga last two minutes ng game, sasabihin lang ni Coach Gold sa akin, “Oh, sige diskarte mo na ‘yan.” Pero nung season talaga, may isang game talaga na parang kumbaga pinakita ko sa kanila na pwede ako maging starter and ‘yung game na ‘yun was our second game against UST.
Doon ko kumbaga nalabas ng pa-konti-onti hanggat sa championship game. So malaking bagay talaga ‘yun, ‘yung UST game. Kasi ‘yun ‘yung ako eh, nalabas ko na laro ko, paano ako makakatulong sa team and nakita naman nila Coach Gold kaya all throughout the season stinarter na nila ako at pina-partner sa mga scorers.
Dati kasi hindi pa si Coach Gold yung coach noon eh. ‘Yung coach ng time na ‘yun si Coach Bo, so nung time na ‘yun, siya ‘yung kumuha sa akin. Noong nag-start kami ng training for Season 84, hindi ko masyado napakita ‘yung sarili ko as starter kaagad. Kasi, kumbaga parang rookie palang ako eh kasi hindi naman maganda ‘yung exposure ko noon sa La Salle eh.
Nasa isip ko lang noon, kung ipapasok ako ni Coach Gold sa court, and bibigyan niya ako ng tiwala, gagawin ko ang lahat para makatulong sa team. Kumbaga, tuluy-tuloy lang at siguro nakuha ko naman ‘yung tiwala ni Coach Gold. At ayun, onti-onti bumabalik ‘yung kumpyansa ulit.
Nabigyan kami ng hope. Kaya talaga. Walang imposible sa tinatrabaho. Pag tinatrabaho niyo ‘yung isang bagay. Lahat nandun ‘yung confidence na kayang talunin ‘yung Ateneo. Malaking bagay ‘yun eh, pagdating ng Finals. Kasi alam na namin na kaya namin. Nakita ko sa lahat, hindi lang sa akin, ‘yung nandun na ‘yung gustong manalo. Ganun na ‘yung naging mentality ng lahat na walang imposible. Kaya palang talunin ‘yung pinakamahirap na kalaban. Mas tumibay ‘yung pagsasamahan namin noon tsaka malaking bagay na natalo namin ‘yung Ateneo sa eliminations talaga.
‘Yung tira nung Game 3, ginagawa ko siya nung high school pa. Idol ko kasi talaga si Kuya Aljun Melecio. Si Kuya Aljun grabe ‘yung stepback. Pina-practice ko lang siya simula nung high school hanggang sa mag-college. Noong simula nung season, ‘di pa ganun ka kumpiyansa ‘yung tira ko, ‘di pa ganun ka accurate din at ‘di pa consistent.

So practice lang every morning, mga off-the-dribble, stepback. Sabi nga nung isa kong coach, mas delikado ‘yung player na pina-practice ‘yung isang shot ng 10,000 times kaysa sa player na maraming galaw pero isang beses lang pina-practice. At naniniwala naman ako sa ganun. Tsaka siguro wala ‘yun, may halong swerte na rin ‘yung tira na ‘yun. Nasaktohan lang.
Sinasabi ng Papa ko na dapat jumpshot ka kasi maliit tayo, para makatira ka sa may malalaking defender. Pero sabi ko, sige trabahuhin ko ‘yun. Pero nung time na nakita ko si Kuya Aljun na tumitira ng jumpshot, grabe, pwede pala. Kaya simula nun, nag-jumpshot na ako. Noong nakita ko siya nung high school, maganda naman kinalabasan. Isa si Kuya Aljun sa rason kung bakit ako nag-jumpshot talaga.
Grabe ‘yung mga stepback niya. Ayaw nga niya ituro sa akin ‘yung stepback. Pero makikita mo naman sa galaw, mas pulido ‘yung sa kanya. Makikita mo naman kasi sa akin, parang mabagal. Sa kanya, parang ang bilis tapos biglang pull-up. Pulido, ga nda tignan, lakas pa ng pulso. Noong nasa La Salle ako, siya talaga nagbibigay sa akin ng advice.
Pagkatira ko nung last shot na ‘yun, sumuntok ako sa UP community. Pagtingin ko sa clock, may 0.5 pa, niyayakap na ako ni Alarcon. Gusto ko kumuha ng tao, buti nandun si James. Parang chumallenge pa ako, tapos nakita ko ‘yung tumira, tabingi. Sabi ko, ‘Champion na.’ Tumalon-talon ako. Tapos, pumunta ako doon sa harap ng parents ko. Kaya ako tumakbo, hinanap ko sila.

Sobrang, alam mo ‘yung naiiyak ka sa saya? Parang binuhay mo ‘yung sarili mo ba. Lagi kong iniisip na, ‘Lord, bigyan mo lang ako ng chance mapakita ko ulit sarili ko.’ Ganun lagi ko iniisip.
Pero after nung shot, sabi ko ‘Thank you talaga.’ Kasi sino bang mag-aakala? May Rivero ka, may Tamayo, Lucero. Grabe ‘yung tiwala sa akin. Kaya nung shot talaga, sobrang saya, hindi ako makapaniwala na ito na ‘yung nangyari. Parang normal na panalo pero champion pala, alam mo ‘yun?
Then lahat ng tao, sinasabi na grabe ‘yung tira ko. Sabi ko, ‘Bakit ganun sila mag-react, parang tinira ko lang naman, ‘di ba?’ After nung gabi na ‘yun, ‘di ako makatulog. Mga 7AM na ako nakatulog. Kasi ‘yung mga iba kong kakampi lumabas sila, nag-celebrate. Ako, kasama ko ‘yung parents ko sa hotel. May isa pang kwarto, hindi ako natulog. Umakyat lang ako doon sa kwarto at nakahiga. Alam mo ‘yung nakahiga tapos nakatingin lang sa kisame? ‘Yung feeling na, sarap sa feeling, champion ako. UAAP champion. Ganun ‘yung feeling. Sobrang iba. Sobrang iba talaga.
Tinanong ko pa nga si Papa, parang, ‘Grabe ‘yun ‘no Pa?’ Napapa-ganun ako eh. Nung pinapanood ko na ‘yung replay, ‘yung tira na ‘yun, sabi ko, ‘Ah, big shot nga.’ Kasi championship eh. Sobrang swerte ko kasi binigyan ako ng opportunity na ‘yun.
Tama nga ‘yung sinasabi nila, alam mo ‘yung dream ng isang bata na parang magdi-dribble ka, ikaw lang mag-isa, 3…2…1. ‘Yung mga ganun na pampanalo, ganun pala ‘yung feeling na ‘yun. ‘Yun pala ‘yung feeling na ‘yun.

_______________________________________________________
[Photos by John Oranga and Vyn Radovan]